Sinuspinde ng Metropolitan Manila Development Authority ngayong Miyerkoles ang pinalawak na number coding scheme matapos suspendihin ng Malacanang ang mga klase at trabaho ng gobyerno sa National Capital Region.
Nauna nang sinabi ng Palasyo na suspendido ang klase sa lahat ng antas at trabaho sa mga tanggapan ng gobyerno sa Luzon ngayong araw, dahil sa masamang panahon dala ng bagyong Kristine.