NUMBER CODING SUSPENDIDO NGAYONG INDEPENDENCE DAY

coding

MAKATI CITY – MALAYANG makabibiyahe ngayong araw ang anumang plate number ng sasakyan.

Ito ay dahil suspendido ang pag-iral ng number coding o Unified Vehicular Volume Reduction Program (UVVRP) ngayong araw, Hunyo 12, Araw ng Kalayaan.

Sa abiso ni MMDA Chairman Danilo Lim, dahil ang Hunyo 12 ay regular holiday, hindi iiral ang number coding.

Pinayuhan din ang mga motorista lalo na kung may balak magbakasyon na planuhin ng maaga ang kanilang biyahe.

Samantala, alas-8 ng umaga ay ipagdiriwang ng Philippine National Police (PNP) ang ika-121 Araw ng Kalayaan at may tema itong “Tapang ng Bayan, Malasakit sa Mamamayan.”

Isang programa ang inaasahan sa harap ng National Headquarters Building sa Camp Crame, Quezon City na pangungunahan ni PNP Chief, Gen. Oscar Albayalde at mga  opisyal nito. EUNICE C.

0

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *