The National University-Nazareth School girls’ volleyball team. Handout/Shakey’s
DINISPATSA ng National University-Nazareth School ang Far Eastern University-Diliman, 25-6, 25-23, 25-17, upang sumampa sa semifinals ng 2024 Shakey’s Girls Volleyball Invitational League nitong Miyerkoles sa Adamson University Gym.
Sumandal sa kanilang solid net defense na sumuporta sa kanilang walang humpay na spiking barrage sa pangunguna ni Diza Berayo at ng superb service game, ang Lady Bullpups ay nangailangan lamang ng isang oras at 21 minuto upang sjbakin ang Lady Baby Tamaraws sa kanilang knockout quarterfinal showdown.
Makakaharap ng UAAP Season 86 runner-up NUNS sa semis ngayong Huwebes sa Paco Arena ang mananalo sa Adamson University at Lyceum of the Philippines University, na naglalaro pa hanggang press time.
Nagpakawala si Berayo ng 18 points na nagmula sa 13 kills, 3 kill blocks at 2 aces para sa Lady Bullpups, na na-outpsike ang FEU, 36-23, habang umiskor ng 11 kill blocks.
“Honestly, ‘yung 3-0 game na ‘to, hindi ko ine-expect ‘yun. Hindi siguro din nila ine-expect. Alam naman namin na hindi kami kumpleto pero kasi pinaghandaan din naman namin sila yesterday sa training, especially,” sabi ni NUNS head coach Norman Miguel said.
Samantala, winalis ng Kings’ Montessori School ang Bethel Academy College, 25-17, 25-23, 25-17, sa isa pang quarters pairing.
Nanguna si Shahanna Lleses para sa Lady Vikings na may 18 points habang nagdagdag si Shekaina Lleses ng 11 markers.
Makakabangga ng Kings’ Montessori ang magwawagi sa pagitan ng last year’s third placer Bacolod Tay Tung at Arellano University, na nagsasalpukan pa hanggang press time.
Nanguna si Shane Reterta para sa Bethelites na may 16 points at nag-ambag si April Tre-inta ng 9.