NURSE NG MENTAL HOSPITAL NA NAGPUSLIT NG SHABU TIKLO

BATAAN- Timbog ang isang nursing attendant matapos maaktuhang nagpasok umano ng ipinagbabawal na droga sa pinapasukan nito sa Mariveles Mental Wellness and General Hospital sa Barangay Ipag, Mariveles.

Kinilala ng pulisya ang naarestong suspek na si Louisito Gumatay, 48- anyos, nursing attendant sa nasabing hospital at residente ng Barangay Poblacion sa naturang Lugar.

Batay sa ulat, hapon ng papasok sa duty, dala ng suspek ang isang bag na idinahilang para umano sa isang pasyente kung saan protocol sa hospital na inspeksiyunin ng mga gwardiya ang dala ng bawat pumapasok dito kawani man o bantay ng pasyente.

Kaya ng busisiin at bulatlatin umano ng guwardiyang naka-duty ang dalang bag ng suspek dito na nadiskubre ang dalang maliit na sachet ng hinihinalang shabu na tangka umano sana nitong ipuslit sa loob ng pagamutan, mabilis na ipinagbigay alam ng duty guard sa mga otoridad kaya nadakip ang suspek.

Nahaharap ang suspek sa paglabag ng mas pinaigting na Dangerous Drug Law. ROEL TARAYAO

One thought on “NURSE NG MENTAL HOSPITAL NA NAGPUSLIT NG SHABU TIKLO”

  1. I used to be suggested this website by my cousin. I am now not positive whether this publish
    is written by means of him as nobody else recognize such precise about
    my problem. You are incredible! Thank you!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *