ISINUSULONG ang paglalagay ng isang registered nurse bawat barangay sa buong bansa.
Sa House Bill No. 3312 o A Nurse in Every Barangay Act of 2019” ni Las Piñas Rep. Camille Villar, sinabi nito na ang pagka-karoon ng nurse sa bawat barangay ay makatutugon sa health care services sa Filipinas kung saan ma-monitor at matuturuan ang mga tao tungkol sa tamang nutrisyon at kalinisan para maiwasan ang pagkalat ng anumang sakit at iba pa.
Ang mga kukuning nurse na magtatrabaho sa ilalim ng programa ay may salary grade 15 at mayroong mandatory minimum entry level pay para sa isang government nurse sa ilalim ng Philippine Nursing Act of 2002, o Republic Act (RA) No. 9173.
Matutuunan din ng panukala ang unemployment ng mga nurse na mula 2014 ay bumaba na ang demand sa ibang bansa kaya marami ang walang trabaho.
Base sa datos ng Professional Regulation Commission (PRC), simula noong Enero 2014, tinatayang 300,000 unemployed nurses ang nasa bansa at inaasahang tumaas pa.
“This will not only address the problem of the unemployment and underemployment of our professional nurses, but will be considered a leap in improving the health service delivery in the country.
The duties of each dispatched nurse include educating their respective barangays on the importance of health, hygiene, sanitation and wellness. Their goal is not only to address the immediate medical needs of the community, but also, through education, to prevent illnesses and ailments” paliwanag ni Villar.
Giit ng kinatawan na dapat gawing oportunidad ng bansa at hindi problema ang tumataas na unemployment rate ng nurses dahil ang galing umano ng mga ito ay maaaring magamit para mapataas ang antas ng health services ng bansa.
Comments are closed.