IGINIIT ni Senador Richard Gordon ang kahalagahan ng Filipino nurses sa primary health care systems sa bansa, kaya dapat na ipagkaloob sa mga ito ang nararapat na sahod alinsunod sa itinatadhana ng Batas.
“We are not producing nurses just to send them abroad. We want them to stay and take care of our people and so, we need to give them the salary that they deserve and what has been authorized by the law,” diin ni Gordon.
Kaya’t suportado ng senador ang desisyon ng Korte Suprema na umeendorso sa Section 32 ng Republic Act 9173 o ang Philippine Nursing Act of 2002 na nagtatakda na ang minimum base pay para sa mga nurse na nagtatrabaho sa government hospitals at health institutions ay dapat na magsimula sa salary grade 15 o P31,545 kada buwan.
“Our nurses are overworked but underpaid. I hope our government will directly act on this by immediately implementing the Supreme Court’s ruling pertaining to their salary,” giit nito.
Nauna rito, inihain ni Gordon ang panukalang pag-amyenda sa Republic Act No. 9173 o ang Philippine Nursing Act of 2002 para sa bagong comprehensive policy sa mga Filipino nurse na magbibigay sa kanila ng oportunidad na ma-paunlad ang kanilang kasanayan sa nursing field upang mapagsilbihan ang lumalaking bilang ng nangangailangan ng healthcare professionals.
“Once nurses graduate and become licensed, they should have the option to be hired by the government at a just pay and dispatched to places in the country where they are needed the most.” Nakapaloob sa panukalang inihain ng senador.
Tinukoy ni Gordon ang pangangailangan ng healthcare workers sa bansa partikular sa mga kanayunan na kung saan ay naitala, 6 mula sa 10 Filipino ang namamatay na hindi man lamang natitingnan ng health care professional.
Anang senador, batay sa ulat ng Philippine Overseas Employment Agency (POEA), umaabot sa 92,277 nurses ang mas gustong magtrabaho sa ibang bansa dahil sa mas malaki ang makukuha nilang suweldo kumpara rito.
“We need to keep our nurses because they are so important to public health. They are at the forefront. Let us not make them second class citizens,” diin ni Gordon. VICKY CERVALES
Comments are closed.