TUMAAS ang bilang ngayong taon ng mga nurse na nagbabakasakaling makapagtrabaho sa Estados Unidos.
Batay sa nakuhang tala ng ACTS-OFW Partylist, tumaas sa 7,119 o 26.5% ang mga Filipino nurse na kumuha ng US Licensure examination mula Enero hanggang Setyembre 2018.
Mas mataas ito kumpara sa 5,624 Filipino nurses na kumuha ng pagsusulit noong 2017 para ma-qualify na magtrabaho sa mga ospital sa Amerika.
Aminado ang ACTS-OFW na marami pa ring nurses ang mas nais na makapagtrabaho sa US o sa ibang bansa dahil sa mataas na sahod.
Nakadagdag pa sa patuloy na pagtatrabaho sa abroad ng mga Filipino nurses ang patuloy na pagtaas ng bilang ng mga ito at mahigpit na kompetisyon. CONDE BATAC
Comments are closed.