SANTIAGO CITY- ISASAILALIM sa awtopsiya ang bangkay ng isang nursing student na natagpuang patay sa isang bakanteng lote sa Buenavista sa nasabing lalawigan.
Kinilala ni Maj Fedimer Quitevis, acting chief ng City Community Affairs and Development Unit ng Santiago City Police Office (SCPO) na ang 19-anyos na biktima at g na residente ng San Mateo, Isabela.
Batay sa ulat, nakagapos at nakadapang katawan ng dalaga nang natagpuan ng isang construction worker sa ginagawang daan sa nasabing lugar.
Gayundin, hindi natagpuan sa lugar ang dala ng biktima na shoulder bag at cellphone nang umalis sa kanilang boarding house dakong alas-4 ng madaling araw para magsamba.
Ayon kay Maj Quitevis, pinukpok ng matigas na bagay ang mukha ng dalaga na nagdulot ng malubhang sugat sa kanyang noo.
Sa isinasagawang imbestigasyon, nakaugalian na raw ng dalaga na kapag umaalis ng boarding house ay nagpapadala siya ng text message sa kanyang mga magulang kung ano ang body number ng tricycle na sinakyan nito.
At ito ang gagamiting lead ng mga imbestigador sa kanilang pagsisiyasat kaugnay sa pagpatay sa biktima. IRENE GONZALES