NAGPAPATULOY ang ating laban kontra COVID-19. Habang tumatagal, lalong tumitindi ang hamon nito sa ating bansa gaya na lamang ng pagkalat ng mas nakahahawang Delta variant.
Kamakailan ay pumalo na sa higit dalawang milyon ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa. Tumataas din ang bilang ng naitatalang kaso kada araw. Sa katunayan, noong ika-9 ng Setyembre ay naitala ang pinakamataas na bilang ng bagong kaso sa loob ng isang araw matapos lumabas ang datos ukol sa 22,415 na bagong kaso at 29.4% na positivity rate.
Upang mas makontrol ang pagkalat ng virus, nagdesisyon ang Inter-Agency Task Force na palawigin ang pagpapatupad ng modified enhanced community quarantine (MECQ) sa ilang bahagi ng bansa, kabilang na ang National Capital Region (NCR). Palaki rin nang palaki ang nawawala sa ating ekonomiya dahil sa pagpapatupad ng MECQ. Maraming negosyo ang tuluyan nang nagsara. Bilang resulta, marami rin ang nawalan ng hanapbuhay. Maraming pamilya ang kinakapos sa badyet at nagugutom.
Sa aking personal na pananaw, lubhang mahalaga na masiguro na ang mga mamamayan ay nananatiling malusog lalo na yaong mga wala pang bakuna. Kinakailangan ito upang malabanan ng mga mamamayan ang virus sakaling dapuan sila nito. Subalit gaya ng aking nabanggit, maraming pamilya ang kapos sa badyet at walang sapat na kakayahang makapaghanda ng mga pagkain na sagana sa nutrisyon.
Noong magsimula ang pandemya, nanawagan ang Save the Children Philippines sa mga lokal na pamahalaan na ipagpatuloy ang mga programa nitong tumutugon sa malnutrisyon ng mga kabataan. Ayon kay Chief Executive Officer of Save the Children Philippines Atty. Alberto Muyot, marami ang nag-aakalang hindi naapektuhan masyado ng pandemya ang mga bata. Subalit binigyang-diin niya na ang mga bata, lalo na yaong mga miyembro ng mga pamilyang kapos sa badyet at yaong mga naninirahan sa mga lugar na mahirap marating ay direktang nakararanas ng negatibong epekto ng COVID-19.
Ang antas ng malnutrisyon sa bansa ay isa sa pinakamataas sa buong mundo. Tinatayang isa sa bawat tatlong bata na may edad limang taon pababa ay nakararanas ng malnutrisyon. Sa katunayan, noong 2018, hindi bababa sa 48.2% ng mga sanggol na anim hanggang labing-isang buwan pa lamang ang mayroong anemia bilang resulta ng kakulangan sa nutrisyon.
Ayon din sa United Nations Children’s Emergency Fund (UNICEF), tinatayang 95 na bata ang namamatay sa bansa kada araw dahil sa malnutrisyon. Lubos na nakababahala ang mga pigurang ito. Kung tayong mga matatanda ay humaharap sa hamon ng COVID-19, ang mga batang walang muwang at walang sariling kakayahang protektahan ang kanilang sarili ay nakikipaglaban naman sa malnutrisyon.
Sa ganitong pagkakataon, kailangan natin ng agarang aksiyon. Sa halip na paggugulan ng mahabang panahon ang pag-iisip ng solusyon, kinakailangan lamang muling balikan ang mga programang dati nang ipinatupad at naging epektibo sa pagtugon sa suliranin ng malnutrisyon. Isa rito ang opsiyon na muling buhayin ang Nutribun.
Para sa mga hindi nakakaalam kung ano ang Nutribun, ito ay isang uri ng tinapay na ipinamimigay sa mga mag-aaral sa mga pampublikong paaralan bilang bahagi ng feeding program sa bansa upang malabanan ang malnutrisyon. Ito ay unang ipinakilala ng United States Agency for International Development (USAID) bilang bahagi ng kanilang Food for Peace Program sa bansa sa pakikipagtulungan sa administrasyon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.
Kilalang-kilala ang tinapay na ito noong panahon ng pamumuno ng mga Marcos sa bansa. Ang Nutribun ay ginawa ng grupo ng mga nutritionist mula sa Virginia Polytechnic Institute and State University. Katumbas nito ang isang kumpletong set ng pagkain. Ipinamimigay ito sa mga bata kasama ang libreng gatas bilang panulak. Ito ay kahawig ng pandesal, ngunit mas pabilog at mas malaki ang sukat. Ito ay may bigat na 170 hanggang 190 grams kada piraso. Ito ay gawa sa wheat flour, nonfat dry milk solids, asukal, vegetable oil, asin, at yeast. Tinatayang mayroon itong 500 calories at 17 gramo ng protina.
Mangilang beses na ring napag-usapan ang muling panunumbalik ng Nutribun nitong mga nakaraang taon. Sa katunayan, naglabas ng bagong bersiyon ng Nutribun ang Department of Science and Technology-Food and Nutrition Research Institute (DOST-FNRI) noong Abril. Tinawag nila itong Enhanced Nutribun Carrot Variant. Ayon kay DOST-FNRI Director Dr. Imelda Angeles-Agdeppa, mas masustansiya ang bagong variant na ito dahil sagana ito sa Vitamin A, Iron, Calcium, Potassium, at Zinc.
Ilang mga lokal na pamahalaan din ang nagpamahagi ng Nutribun sa kanilang mga lugar na pinamumunuan bilang solusyon sa malnutrisyon. Isa rito ang Cebu, sa pangunguna ni Senator Imee Marcos. Ang Cebu ang isa sa mga pinakamayamang lungsod sa bansa, ngunit ito rin ang may pinakamataas na antas ng malnutrisyon. Bilang tugon ay muling binuhay ng Cebu ang Nutribun noong Pebrero 2020. Bukod sa pagtugon sa suliranin ng malnutrisyon, natutulungan din ang mga magsasaka sa lugar dahil ang monggo, malunggay, kalabasa, kamote, at coconut ay bahagi ng sahog ng Nutribun.
Ilan pang mga lungsod na nagpamahagi rin ng Nutribun ay ang lungsod ng Manila noong 2014, sa pangunguna ni Mayor Isko Moreno na Vice Mayor pa lamang noon. Ginawa rin itong programa ng Marikina sa pamumuno naman ni Mayor Marcelino R. Teodoro noong 2019. Nilayon niyang sugpuin ang malnutrisyon sa lungsod bago natapos ang taon.
Noong nakaraang taon, bilang karagdagang nutrisyon para sa mga bata sa gitna ng pandemya, ang probinsya ng Tuguegarao at ang Laoag City, Ilocos Norte ay nagsimula ring magpamahagi ng Nutribun sa mga bata sa lugar. Layunin nilang palakasin ang resistensiya ng mga ito ngayong panahon ng pandemya.
Napapanahon talaga ang Nutribun ngayong may hinaharap tayong krisis na pangkalusugan. Napakahalaga na masiguro na nananatiling malusog ang mga bata dahil hindi pa sila prayoridad ng pamahalaan na mabigyan ng bakuna kontra COVID-19. Kailangan nila ng sapat na nutrisyon at malakas na resistensiya upang malabanan ang virus sakaling dapuan sila nito. Sa halip na kanya-kanyang diskarte ang mga lokal na pamahalaan ukol sa Nutribun, marahil mas magiging epektibo ito kung mismong ang pamahalaan ang magpapatupad nito sa buong bansa.
Nawa’y ang susunod na administrasyon ay pagtuunan ng pansin ang suliranin sa malnutrisyon at paigtingin ang primary healthcare sa bansa. Ang panunumbalik ng Nutribun ay isang simpleng hakbang, ngunit malaking tulong ukol dito.

835090 293990As I website owner I conceive the content material material here is rattling excellent , thanks for your efforts. 71042
311749 150851You made various good points there. I did a search on the subject and discovered most people will have the same opinion along with your blog. 296549
769016 932489Nice post. It does shed some light on the problem. By the for those interested in binary options can get an exclusive binary options bonus. 17360
714562 730823Good web site, nice and effortless on the eyes and great content too. Do you require numerous drafts to make a post? 523293
It’s the same topic , but I was quite surprised to see the opinions I didn’t think of. My blog also has articles on these topics, so I look forward to your visit. baccaratsite
704819 487271Some times its a pain in the ass to read what weblog owners wrote but this site is truly user pleasant! . 119600
315708 913983Several thanks for the wonderful post C Id enjoyable reading it! That i enjoy this blog. 799787