NUTRIMENT WORKSHOP GUGULONG NA NGAYONG HUNYO 29

NUTRIMENT-WORKSHOP

NAGBABALIK na ang pinakaaabangang holistic nutrition workshop ng Holistic Integrative Care Center.

Simulan mo na ang malusog na paglalakbay sa buhay!

Halina’t sumama sa isang araw na puno ng masasarap at masusustansiyang pagkain at tuklasin kung bakit nahuhumaling ang marami sa plant-based diet. Magkaroon ng inspirasyon na lumikha ng bagong recipes, matuto ng mga bagong bagay, at makakilala ng bagong mga kaibigan.

Mayroon ding samples ng masarap at masustansiyang pagkain, take home recipes, at handouts bukod pa sa question and answer time para sa isang hindi makalilimutang karanasan.

Kasama ang ating World Class Speakers: Chef Arlene Clemente – isang internationally trained holistic raw food Chef, na mayroong kahanga-hangang credentials; seasoned speaker para sa health, wellness and disease management, Holistic Ambassador Ronnie Liang – certified music hit maker at health buff, na sumusunod sa kung ano ang mainam para sa katawan, kaisipan at kaluluwa; at Mr Eddie Peterson – Korean-American MISSO partner na bihasa sa juicing at oil extractor products, health advocate para sa wellness and goodwill.

Registration fee: P2, 500/ person

Venue: IAJWC Conference Room, 33F Atlanta Center, Annapolis St., Greenhills, San Juan City.

Date: June 29, 2018

Time: 10am to 4pm

INCLUSIVES:

FREE lunch, FREE manuals, FREE aprons, FREE take-home samplers, Raffle Prizes, Ronnie Liang’s Album with autograph.

With Onsite Knife, Onsite Chopping Board, Spices and ingredients – Vegetables and Fruits

Para sa karagdagang detalye at reservations, makipag-ugnayan sa mga sumusunod na numero; Chef Arlene 0927-567-8562 o PR Jay 0916-917-5054 / 0933-817-9674 at HICC hotlines: 02 744-5355 0923-146-8686.