NUTRITION HONOR AWARD SA TAGUIG CITY

NUTRITION HONOR AWARD

NADAGDAGAN pa ang parangal sa Taguig City nang ito ay gawaran ng National Nutrition Council (NNC) dahil sa pagiging pinakamataas na local government unit sa buong bansa na may maayos at mabisang nutrition programs asimula pa noong 2013.

Ang Taguig ang nag-iisang siyudad sa buong Metro Manila na nakakuha ng prestihiyosong Nutrition Honor Award, dahil sa mahusay na pagpa-plano, pagsasaayos ng implementasyon ng lokal na programang pang-nutrisyon.

Ayon kay Taguig City Nutrition Action Officer Julie Bernabe, ang pagkamit ng parangal ay biyahe hindi naging madali dahil kanila itong pinaghirapang abutin at halimbawa nito ay palagiang pagbisita ng kanyang mga tauhan sa City Nutrition Office sa mga bara-barangay upang matiyak na maaos ang nutrisyon ng kanilang nasasakupan.

Noong 2013, 2014 at 2015  ang Taguig ay nabiyayaan ng Green Banner award dahil sa maayos na programa sa nutrisyon  at itinanghal na Consistent Regional Outstanding Winner (CROWN) in Nutrition ng tatlong magkakasund na taon, mula 2016 hanggang 2018.

Noong 2018, ang dating mayor at ngayo’y Taguig 2nd Dist. Rep. Lani Cayetano ang nagsabi na ang CROWN award ay patunay ng pagsisikap ng lungsod upang makamit ang mga layunin para sa nutrisyon.

“Ito ay testamento ng pagkakaisa at pagsasamasama ng buong syudad na pagtrabahuhan ang pagbigay ng dekalidad na health programs sa mga Taguigeño,” wika ni Cong. Lani.

Sa ilalim ng liderato ni Mayor Lino Cayetano, ang mga programang pangkalusugan ay palalakasin, palalawigin bilang kasama ito sa 10-point agenda ng bagong alkalde.

“Uunahin natin ang preventive healthcare services at curative health services sa pamamagitan ng mga karagdagang programang pangkalusugan; mas maayos na health services sa mga health center; programang pang-sports at wellness upang magkaroon ng tandem ito sa mga Healthcare Facilities bilang parte ng medical assistance sa syudad,” saad pa ni Mayor Lino.

Bukod pa rito, ang Taguig ay patuloy na nangangalaga ng 31 health centers at tatlong super health centers na bukas 24/7. Ang lahat ng mga health centers na ito ay Philhealth accredited. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

Comments are closed.