TINALAKAY nina Finance Secretary Carlos Dominguez III at New Zealand Ambassador to the Philippines Peter Kell ang posibleng bilateral cooperation arrangements na magpapahintulot sa Bureau of Customs (BOC) at sa Social Security System (SSS) na gamitin ang expertise ng New Zealand sa pagmodernisa sa kani-kanilang mga proseso at serbisyo para higit na mapagsilbihan ang publiko.
Sa isang virtual meeting kamakailan kay Dominguez ay sinabi ni Kell na maaaring tumulong ang New Zealand sa nagpapatuloy na modernization project ng BOC bilang consultant at advisor.
Aniya, maaaring ipagkaloob ng New Zealand ang training at serbisyo ng kanilang mga eksperto upang tulungan ang BOC sa capacity building at pagmomodernisa sa trade facilitation at border protection functions nito
Isinasapinal na rin ng New Zealand ang financing component ng isang proyekto sa SSS upang i-redesign ang pag-poproseso ng social security pensions at iba pang benepisyo na naglalayong mapagbuti ang approval system at procedures para sa mga miyembro ng SSS nag-aaplay para sa naturang claims.
Labis ang pasasalamat ni Dominguez sa alok na tulong ng New Zealand at tiniyak sa ambassador ang suporta ng Department of Finance (DOF) sa parehong inisyatibo.
Pinasalamatan din ni Kell si Dominguez para sa tulong ng DOF sa Development Academy of the Philippines (DAP) sa paghahanda sa isang project proposal sa pagbuo ng competency framework ng DAP.
Ang DAP project ay ipatutupad na may technical assistance mula sa New Zealand.
Ipinabatid din ni Kell kay Dominguez ang mahalagang progreso sa talakayan sa pagitan ng mga opisyal ng New Zealand at ng Filipinas sa isang proyekto na magtutuloy sa suporta ng New Zealand sa agriculture sector at agribusiness enterprises ng Mindanao.
The ambassador said he looks forward to working closely with the Philippines as New Zealand hosts this year the Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) meetings, which are expected to focus on discussions on how to overcome the global economic impact of the lingering coronavirus disease 2019 (Covid-19) pandemic.
Sa pakikipagpartner sa United Nations International Organization for Migration (IOM), ang New Zealand government ay nagkaloob ng PHP64.25 million na tulong bilang suporta sa pagtugon ng Philippine government sa COVID-19.
Ang New Zealand at IOM ay nag-donate din ng 35 cold storage units na kinakailangan para sa efficient delivery at distribution ng COVID-19 vaccines sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Sa pamamagitan ng United Nations Food and Agriculture Organization (FAO), ang New Zealand government ay patuloy na sumusuporta sa agriculture sector ng Mindanao sa pamamagitan ng USD2.69 million project para suportahan ang agriculture-based livelihoods at agribusiness enterprises sa Maguindanao at North Cotabato.
823424 308321I see something genuinely special in this website . 213924
995779 443962Maintain up the wonderful work , I read couple of blog posts on this website and I believe that your website is real interesting and has bands of excellent information . 629158
519450 434886I think you did an awesome job explaining it. Confident beats having to research it on my own. Thanks 434999
479644 713603Does your website have a contact page? Im having trouble locating it but, Id like to send you an email. Ive got some suggestions for your blog you may be interested in hearing. Either way, great blog and I look forward to seeing it develop over time. 347041
192292 221788Wonderful website you got here! Yoo man wonderful reads, post some more! Im gon come back so greater have updated 74906
525601 423744It can be tough to write about this topic. I believe you did an superb job though! Thanks for this! 499216