NAGING matagumpay ang oath taking ceremony ng PDP LABAN-San Juan noong Huwebes.
Nanguna sa oath taking ceremony si dating Senate President Koko Pimentel, ang pangulo ng PDP LABAN habang ang mga opisyal at miyembro ng PDP-LABAN San Juan ay sina dating Cong. Ronny Zamora bilang presidente, dating Vice Mayor Francis Zamora bilang secretary general.
Sa nasabing event ay nagsalita ang batang Zamora, ang PDP LABAN official mayoralty candidate hinggil sa kanyang planong pagtatayo ng high rise public housing, fully equip at modernisadong San Juan Medical Center.
Nais din ng dating vice mayor na maging maunlad ang lungsod at maging digitally smart city na taglay ang malakas na wifi sa lahat ng barangay.
Ipatutupad din ng mayoral candidate ang San Juañeno First Policy na bigyan ng prayoridad sa employment opportunities ang San Juaneños, maging transparent, accountable at corruption free local government.
Pinasalamatan din ng batang Zamora si Pimentel sa pagpili sa kanya at sa kanyang ama bilang official candidate ng PDP LA-BAN para sa mayoral at congressional post.
Sinabi naman ni Pimentel na ang mag-amang Zamoras ay may magandang track record, very much qualified para sa mga posisyon at may matatag na plataporma ng pagmamahal dahil sa malinis na pangalan sa public service.
Ayon kay Pimentel, ang gusto ni Pangulo ay sa mga kandidato ay tapat. EC
Comments are closed.