OB-GYNE NG PCGH MULING BUBUKSAN

INIHAYAG ng Pasay City General Hospital (PCGH) ang muling pagbubukas ng kanilang OB-Gyne section ngunit para lamang muna sa mga may emergency cases o may malalalang sakit.

Ito ay napag-alaman kay PCGH officer-in-charge (OIC) Dr. John Victor de Gracia na nagsabing pansamantala na lamang muna ang pagtanggap ng mga pasyenteng may mabibigat na karamdaman sa OB-Gyne section habang tinatapos pa ng lahat ng mga doktor at nurses ang kanilang quarantine.

Ayon pa kay de Gracia, ang mga pasyente na dadalhin sa PCGH na mga non-complicated OB cases ay kanilang ire-refer pansamantala sa Doña Martha Lying-in clinic na matatagpuan sa Don Carlos Village, Pasay City.

Sinabi ni de Gracia na ang kanyang inilabas ang memorandum order noong nakaraang Agosto 17 na nag-uutos ng pansamantalang pagsasara ng obstetrics and gynecology (OB-Gyn) services ng siyam na araw ay matapos magpositibo sa COVID-19 ang medical officers ng naturang section.

Sa updated report na ipinadala ni de Gracia kay Public Information Office (PIO) chief Jun Burgos dakong alas-8 ng gabi nitong Agosto 28 ay mayroong bakanteng 11 COVID-19 regular adult beds, 2 regular pedia beds at 2 Intensive Care Unit (ICU) beds ang PCGH.

Dagdag pa ni de Gracia na ang hospital occupancy para sa emergency room transition beds sa kasalukuyan ay mayroong katumbas na 43 porsiyento habang wala namang naitalang mortality ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19. MARIVIC FERNANDEZ

226 thoughts on “OB-GYNE NG PCGH MULING BUBUKSAN”

  1. What side effects can this medication cause? Everything information about medication.
    https://stromectolst.com/# stromectol cvs
    Everything information about medication. Prescription Drug Information, Interactions & Side.

  2. drug information and news for professionals and consumers. Everything what you want to know about pills.
    how to buy nexium
    Read information now. drug information and news for professionals and consumers.

  3. Some are medicines that help people when doctors prescribe. Long-Term Effects.
    https://canadianfast.com/# prescription drugs without prior prescription
    Definitive journal of drugs and therapeutics. drug information and news for professionals and consumers.

Comments are closed.