OBIENA AASINTAHIN ANG ASIAD GOLD

HANGZHOU – Kung hindi magkakaroon ng aberya, inaasahang ibibigay ni Asia’s best pole vaulter at Filipino superstar Ernest John Obiena ang unang gold medal ng Pilipinas sa 19th Asian Games dito ngayong Sabado.

Inaasahang patataubin ni Obiena, ang paborito na magwawagi ng pole vault gold sa Asiad, ang mga katunggali sa event na nakatakda sa alas-7:05 ng gabi sa Hangzhou Olym- pic Sports Centre.

“My aim is to win (in Hangzhou). That’s the goal,” sabi ni Obiena sa isang panayam.

Tangan ni 27-year-old Obiena, na nabawi ang no. 2 rank sa mundo kasunod ng runner-up finish kay world champion Arman “Mondo” Duplantis sa 2023 Diamond League sa Eugene, Oregon, halos dalawang linggo na ang nakalilipas ang Asian record na 6 meters, na dalawang beses niyang na- kamit sa Budapest noong nakaraang Agosto at sa Norway noong Hunyo.

Gayunman ay hindi hawak ni Obiena ang , Asian Games record. Ang naturang distinction ay pag-aari ni Japanese Seito Yamamoto, na lumundag sa taas na 5.75 meters sa 2018 Jakarta-Palembang Asian Games.

Ang Filipino pole vaulter, na nagpapagaling sa ACL injury noong panahong iyon, ay tumapos lamang sa 7th sa 5.45 meters.

Sisikapin ni Obiena na makabawi laban kay 31-year-old Yamamoto, na ayon sa Japan Running News, ay muling sasabak para sa Japan sa Asiad.

Gayunman, ang best record ni Yamamoto ngayong season ay 5.60 lamang na kanyang naitala sa L’Anneau-Halled’athlétisme de Metz sa France noong nakaraang Pebrero.

“This is the opportunity for us Filipino athletes to show what we’ve got,” ani Obiena, na magkakaroon din ng pagkakataon na wakasan ang three-decade medal drought ng bansa sa Asiad, kung saan ang huling medalya mula sa athletics ay napanalunan ni Elma Muros, na nanalo ng bronze sa women’s long jump event.

“We are determined to contribute to the Philippine Team’s campaign.

Our men and women are ready,” wika ni athletics secretary general at team manager Edward Kho.

Ang tanging minor concern para kay Obiena, kung dapat ngang alalahanin, ay ang jet lag. “EJ is recovering from jet lag after arriving a few days ago from a competition in Oregon, USA. But he is a veteran. He will do what he has to do come tomorrow night’s finals in the pole vault,” ani athletics chief Terry Capistrano.