OBIENA ANGAT SA SEA GAMES

NANGAKO si pole vaulter EJ Obiena, ang una sa dalawang Filipino athletes na pasok na sa 2020 Tokyo Olympics, na gagawin niya ang lahat para masikwat ang korona sa 30th SEA Games.

Sa kanyang pagbisita sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum kahapon sa Amelie Hotel Manila, sinabi ni Obiena na ayaw niyang mapahiya sa harap ng kanyang mga kababayan na umaasa sa kanyang tagumpay.

Hawak ang pinakamatikas na record na 5.81 meters, na ranked 10th sa mundo, ang 6-foot-2 pole vaulter ay dapat na ma­ging paborito na manalo ng gold sa SEA Games, kung saan si Thailand’s Porranot Purahon ang reigning champion na may 5.35 meters sa 2017 edition sa Kuala Lumpur.

“I may have the slight edge but it’s a competition. Anything can happen.  Hopefully I can be the one standing on top of the podium holding the Philippine flag,” wika ni Obiena sa forum na itinataguyod ng San Miguel Corp., Braska Restaurant, Amelie Hotel at Pagcor.

Batid ni Obiena na sa bawat kumpetisyon ay tumataas ang antas ng labanan, at umaasa siya ng mas mataas na marka sa nalalapit na SEA Games. Ang pole vault competition ay nakatakda sa Dis. 7 sa New Clark City sa Capas, Tarlac, ang  main hub ng biennial event.

“What I can do is do what I can,” wika ni  Obiena, na sinamahan sa forum ng kanyang mga magulang na sina Emerson (silver at bronze medalist sa 1995 at 2005 SEA Games) at Jeanette.

“I will do my best to win the SEA Games gold. It’s our home country. It’s going to be a shame if I lose and I know that,” ani Obiena. CLYDE MARIANO

Comments are closed.