NAGBALIK-AKSIYON si Filipino pole vaulter EJ Obiena at tumapos sa ikatlong puwesto sa 5th Irena Szewinska Memorial nitong Miyerkoles sa Poland.
Na-clear ni Obiena, galing sa gold medal finish sa 32nd SEA Games sa Cambodia noong nakaraang buwan, ang 5.72 meters para sa joint third place kasama si USA Olym- pian Sam Kendricks.
Unang nilundag ni Obiena ang 5.22m at 5.42m bago na-clear sa isang attempt ang 5.62m at 5.72 heights.
Tinangka ni Obiena na ma-clear ang 5.82m, subalit nabigo matapos ang tatlong pagtatangka.
Kinuha ni World no. 2 Chris Nielsen ng USA ang gold medal na may 5.92-meter finish habang nagkasya si Piotr Lisek ng Poland sa sil- ver makaraang ma-clear ang 5.82m.
Babalik si Obiena sa field sa June 10 sa kanyang pagsabak sa Bergen Jump Challenge sa Norway.