KIKILALANIN ang “future of Philippine sports” sa third Siklab Youth Sports Awards na gaganapin ngayong gabi sa Market! Market! Activity Center sa Taguig City.
May kabuuang 58 young athletes mula sa 33 sports ang papagitna sa nagbabalik na gala awards na inorganisa ng Philippine Sports Commission at Philippine Olympic Committee (PSC-POC) Media Group.
Ang mga awardee ay pinangungunahan nina tennis star Alex Eala, World Combat Games champion Alyssa Kylie Mallari ng muay thai, weightlifting world youth champion Prince Keil Delos Santos, gymnast Karl Eldrew Yulo — Asian championship junior silver medalist — at Southeast Asian Games gold medalists Kira Ellis at Matthew Hermosa, kasama ang 18 iba pa.
Tatanggapin nila ang Go for Gold Siklab Young Heroes awards kasama sina Southeast Asian Games silver medalist Gennah Malapit ng athletics, boxer Ronel Suyom, golfer Rianne Malixi, gymnasts Charlie Manzano at Breanna Labadan, jiu-jitsu’s Santino Luzuriaga at Bianca Bustamante ng motor sports.
Igagawad naman kay Asian pole vault king Ernest John “EJ” Obiena ang “Sports Idol” plum sa award rites para sa pinakamahuhusay na Filipino junior athletes na may edad 18 at pababa.
Ipagkakaloob din sa Siklab Awards ang special citation sa Youth Football League at Davao Aguilas Football Club, na suportado ni Quezon City 1st District Rep. Juan Carlos “Arjo” Atayde.
Bukod dito, igagawad din ang Para Youth Star award kay Asean Para Games double gold medalist Ariel Alegarbes.
Gagawaran din si sports patron Sen. Bong Go ng Godfather Award, habang ipagkakaloob ang Burlington Super Kids Award kina world champions Joseph Anthony Godbout ng modern pentathlon, pitcher Erica Arnaiz ng softball, muay’s Jan Brix Ramiscal at Asian championships bronze medalist Jasmine Althea Ramilo ng gymnastics, gayundin kina wrestling’s Lucho Aguilar, Trisha Mae Del Rosario ng obstacle sports at karate’s Sebastian Niel Mañalac. Ang “Rising Stars” awards ay tatanggapin naman nina Christian Gian Karlo Arca at Mark Jay Bacojo ng chess, jiu-iitsu’s Aielle Aguilar, Princess Reuma, Yanna Marte, skateboarding’s Mazel Alegado at fencer Jodie Danielle Tan.
Ito ang ikatlong edisyon ng Siklab — at ang una magmula nang manalasa ang COVID-19 pandemic — matapos ang inaugural at second stagings nito noong 2018 at 2019, ayon sa pagkakasunod.