NAITALA ni pole vaulter EJ Obiena ang kanyang unang panalo sa indoor season, sa pagsungkit ng gold sa Memorial Josip Gašparac sa Osijek, Crotia.
Na-clear ni Obiena ang 5.83m sa kanyang unang attempt upang magtala ng bagong meet record at makopo ang kanyang unang panalo sa kanyang 2024 season.
Pumangalawa sa kanya si Pedro Buaró ng Portugal na lumundag ng 5.73m. at pumangatlo si Olen Tray Oates ng United States sa 5.61m.
Mag-uuwi si Obiena ng kabuuang cash prize na 1500 Euros para sa kanyang panalo at bagong record.
Tinangka rin ng Olympian na ma-clear ang 5.93m, subalit bigo siya sa lahat ng tatlong attempts.
Susunod na sasabak si Obiena sa ISTAF Indoor sa Berlin, Germany sa February 23.
Ang naturang mga torneo ay nagsisilbing paghahanda ni Obiena para sa Paris Olympics ngayong taon.