“I’M ready for the Asian Games. I’m in top shape and physically and mentally prepared.”
Ito ang sinabi ni reigning Southeast Asian Games at Thailand Open pole vault champion Ernest John Obiena habang palapit ang Asian Games na gaganapin sa Indonesia sa Agosto 18 hanggang Setyembre 2.
Ayon sa 20-anyos na si Obiena, handang-handa na siya sa laban at determinado siyang bigyan muli ng karangalan ang bansa matapos manalo ng pilak sa Chinese Taipei Open Athletics Championship.
Nagtamo si Obiena ng anterior cruciate ligament (ACL) at ilang buwang nagpahinga. Binigyan siya ng go signal ng kanyang doctor na si Dr. Andrew Gabriel Tabberah na maglaro sa Asian Games kung saan siya ang pambato ng Pinas sa pole vault.
“EJ is physically and mentally and prepared. He is 100 percent fit and ready to compete in the Asian Games,” sabi ng kanyang ama at personal coach na si Emerson Obiena.
Nag-training si Obiena sa Europe sa Italy at Germany sa ilalim ni Ukraine coach Vitaly Petrov.
Hawak ni Obiena ang personal record na 5.61 meters na naitala niya sa training sa Germany at Italy.
“Ang kanyang personal best is good bronze and silver sa Asian Games,” sambit ni Emerson.
Ang standing record sa pole sa Asian Games ay 5.70 meters na hawak ng Chinese at Japanese.
“Maiksi lang ‘yan 19 centimeters at kayang-kayang pantayan ni EJ,” wika pa ni Emerson, dating medalist sa SEA Games at kamakailan ay nanalo ng ginto sa pole vault sa World Masters Athletics.
Wala pang Pinoy na nanalo ng ginto sa pole vault sa Asiad at ‘yan ang target ni Obiena.
Ang pole vault ay kasama sa mahigit 40 events sa athletics. Ang athletics ang pinaka-premier sport sa Asian Games, Olympic Games at Southeast Asian Games. CLYDE MARIANO
Comments are closed.