OBIENA MAPAPALABAN NA

SISIKAPIN ni Ernest John Obiena na makopo ang isa sa 12 medal-round slots na nakataya sa pole vault competitions ng Summer Olympic Games sa Tokyo Olympic Stadium ngayong Sabado.

Kahit wala si COVID-19 infected Sam Hendricks ng United States, ang field ay hitik sa magagaling na pole vaulters, sa pangunguna nina world’s no. 1 Armand Duplantis, no. 3 Piotr Lisek ng Poland, no. 5 Christopher Nilsen ng US at no. 7 Thiago Braz ng Brazil, ang Rio Olympics champion at training partner ni Obiena.

Si Obiena ay world’s no. 6 at kabilang sa pinakamahusay sa sport, kaya hindi siya nangangarag sa world-class competition.

Napatunayan ng 25-anyos na si Obiena na kaya niyang makipagsabayan sa mga ito nang makalaban niya sina Duplantis, Kendricks at ang ilang top 10 pole vaulters ng ilang beses sa Europe.

“It showed that I can compete with the best. It was like a preview,” ani Obiena sa kanyang mga engkuwentro kina Duplantis at Kendricks.

“They are the top athletes in the world rankings. That showed me that I can compete. And, now it’s a mental game,” dagdag ni Obiena.

Para magkuwalipika sa 12-man finals, ang isang pole vaulter ay kailangang lumundag ng 5.80 meters, isang marka na nalagpasan na ni Obiena sa kanyang mga huling torneo.

Ang 12 pinakamahuhusay ang aabante. Ang personal best ni Obiena ay 5.87 meters, na naitala niya sa Irena Szwewinska Memorial/Bydgoszcz Cup sa Poland, subalit para magtapos sa podium ay kailangang targetin ni Obiena ang hindi bababa sa 6 meters.

“I know I can jump 6.0 meters. I’m not sure how I got it dialled in. I’ve seen how well I can jump, and I’ve seen what I’m capable of, and make sure that I bring that in the game,” sabi ni Obiena sa isang Zoom conference sa Filipino scribes. CLYDE MARIANO

73 thoughts on “OBIENA MAPAPALABAN NA”

Comments are closed.