OBIENA NAKA-BRONZE SA SILESIA DIAMOND LEAGUE

TUMAPOS si Filipino pole vaulter EJ Obiena sa ikatlong puwesto sa Silesia leg ng 2022 Wanda Diamond League Sabado ng gabi.

Na-clear ni Obiena, galing sa pagwawagi ng bronze medal sa World Athletics Championships, ang 5.73-meter mark sa kanyang ikalawang pagtatangka upang makaakyat sa podium sa likod nina record holder Mondo Duplantis (6.10m) at Norwegian Sondre Guttormsen (5.73m).

Bagama’t kapwa na-clear nina Obiena at Guttormsen ang 5.73m, nagawa ito ng Norway bet sa isang pagtatangka lamang.

Nagtangka rin ang dalawa sa 5.83m clearance ngunit nabigo.