OBIENA PINATAOB ANG WORLD NO. 1 PARA SA GOLD SA BRUSSELS

TINALO ni Filipino Olympian at pole vaulter EJ Obiena si world no. 1 Armand Duplantis sa Brussels leg ng Diamond League.

Na-clear ni Obiena ang 5.91 meters sa torneo upang kunin ang gold sa tatlong attempts, na hindi nagawa ni Duplantis. Nagkasya ang Olympic gold medalist sa silver na may 5.81 meters.

Tumapos sa ikatlong puwesto si world no. 2 Chris Nilsen sa nilundag na 5.71 meters.

Ito na ang ika-4 na gold ni Obiena sa nakalipas na mga linggo.

Noong Miyerkoles, Agosto 31, ay nasungkit ni Obiena ang ginto sa St. Wendel City Jump sa Germany.

Nagwagi rin siya ng ginto sa True Athletes Classics sa Leverkusen at sa Internationales Stabhochsprung-Meeting sa Jockrim.

Bukod sa apat na gold ay naitala rin ni Obiena ang bronze finish sa Lausanne Diamond League sa Switzerland, kung saan pumuwesto siya sa likod nina Tokyo Olympics champion Armand Duplantis ng Sweden at runner-up Chris Nilsen ng United States.