HINDI pa rin matanggap ni EJ Obiena na kinapos siya sa podium finish sa katatapos na Tokyo Olympics.
“It has been a hard pill to swallow that I wasn’t able to perform to the best of my abilities on the day I needed it most,” pahayag ni Obiena sa kanyang Instagram post kahapon.
“It’s even harder to just say ‘it is what it is’ and bad days come and go.”
Si Obiena ay nabigong ma-clear ang 5.80 meter mark para pormal na masibak sa kontensiyon sa men’s pole vault finals na nadominahan ni Armand Duplantis ng Sweden.
Ibinahagi ni Obiena na kumpiyansa siya papasok sa Tokyo Games kung saan sumabak siya kontra pinakamahuhusay sa mundo, ngunit inamin na hindi umayon sa kanya ang pagkakataon sa event proper.
“I am confident with my abilities to go against the worlds best but something didn’t click, something was missing or perhaps it just wasn’t meant to be,” ani Obiena.
“These are thoughts that wakes me up at night with cold sweat and a heavy chest but then days pass and nights fall and yet here I am still wondering.”
Sa kabila ng masaklap na pagkatalo ay nangako ang 25-anyos na pole vaulter na ito ang magpapaningas sa kanya sa pagbabalik niya sa mga kumpetisyon, kabilang, marahil, ang 2024 Paris Olympics.
“I took a step back and realized I haven’t accepted those thoughts as facts and I am yet to throw in the towel. Still hungry and still yearning for a better me.”
3486 351080Yeah bookmaking this wasnt a bad decision wonderful post! . 790526
362958 386271I genuinely prize your function , Wonderful post. 990400