OBISPO SA COTABATO SUPORTADO ANG BOL

His Eminence Orlando Quevedo

TIWALA ang mga taga-Cotabato na susi sa kapayapaan at paglago ng ekonomiya sa natu­rang rehiyon ang Bangsamoro Organic Law (BOL).

Sinabi ni His Eminence Orlando B. Quevedo, cardinal ng Archbishop of Cotabato, na mabibigyan ng importansya ng mga taga-Mindanao ang BOL.

Bagaman hindi naihabol sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Lunes ang ratipikasyon ng batas ay naisakatuparan ito ng mga sumunod na araw.

Naniniwala rin ang arsobispo na tutuparin ng gobyerno ang tigil-putukan at matutuloy ang naantaalang usa­ping pangkapayapaan sa rehiyon.   PILIPINO Mirror Reportorial Team

Comments are closed.