OBISPO UMAPELA PARA SA KUWARESMA: LOGOUT MUNA SA SOCIAL MEDIA

SOCIAL MEDIA USER

NANAWAGAN ang isang Catholic bishop sa mga Katoliko na isaisantabi at mag-log out muna sa kanilang mga social media account gaya ng Facebook, Instagram at Twitter bilang paraan ng pagsasakripisyo ngayong panahon ng Kuwaresma.

Ayon kay Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, chairman ng Episcopal Commission on the Laity, ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), mas mainam na gugulin ang oras na inilalaan sa social media sa pananalangin at pagninilay.

“Maganda nga instead of a pagbabantay sa Facebook o sa TV, magdasal muna tayo o magbasa ng Bible o makipag-usap sa isang may sakit. So ‘yang mga bagay ba na what you denied to yourself you give to the others.’Yan ‘yung mahalaga i-connect natin ‘yan,” ayon kay Pabillo, sa church-run Radio Veritas.

Ipinaliwanag ng Obispo na ang pagpipigil sa mga bagay na labis nating kinagigiliwan tulad ng social media ay maaring isang paraan ng pagsasa-kripisyo at pagdidisiplina sa sarili.

Nitong Marso 6, Miyerkoles ng Abo, ay pormal nang nagsimula ang panahon ng Kuwaresma, na isa sa pinakamaha-ha­lagang okasyon sa mga Katoliko.  ANA ROSARIO HERNANDEZ

Comments are closed.