OBRANG NAGING TAMPOK SA HALLMARK CARDS

DINAPO

(Ni SUSAN CAMBRI)

KUNG  ano ang pumasok na konsepto sa isipan ay agad na ipipinta sa canvas kaysa naman mawala o malimutan. ‘Yan ang  pahayag ng award-winning na visual artist, commercial model at artista sa pinilakang tabing na si Edwin ‘Buboy’ Dinapo na ang angking husay sa pagpipinta ay masasabing “self-taught.”

COMMERCIALHindi  lamang abs­tract ang nakahumali­ngang ipin­ta ni Dinapo, nagpi­pinta rin siya ng landscape, portraits, still life at iba pa. Kalimitan ay acrylic ang gamit nito.

Tubong Davao City, sa kagustuhang matupad ang mga pa­ngarap at mabigyan ng magandang bukas ang pamilya,  nagtu­ngo si Dinapo sa Maynila noong 1987.

Ang pagkahilig nito sa sining ay ganoon na lamang dahil kahit pagod ito sa trabaho sa noo’y Miascor ay deretso na ito sa pagpipinta na kanyang itinuturing na ‘first love.’

Wala  mang pormal na pagsasanay sa Fine Arts ay napatunayan sa mga obra ni Dinapo  ang galing ng isang artist.

Matapos ang 13 taon na pagtatrabaho sa opisina ay nagpasiya itong  maging full-time sa pagpipinta at  lumalabas sa TV at pelikula bilang aktor at sa mga commercial.

Ilan sa kanyang mga orihinal na obra ay nai-display na sa mga bansang Canada, Amerika, South Ame­rica, Europe, Middle East at Asia.

OBRANG NATATAK

MOTHER AND CHILDAng obrang “Mo­ther and Child”, “Caroling” at “Devotion”  ay kabilang sa naging tanyag na art pieces ni Dinapo, na labis na  hinangaan hanggang sa maging endorser ito ng Hallmark Cards.

Nagbigay ng karangalan sa Filipinas, lalo ang obrang Mother and Child na napili upang maging disenyo ng Christmas card ng Hallmark noong 2011 at naka-display sa lahat ng sangay ng National Bookstore.

Hindi lamang isang beses na napili ang  mga obra ni Dinapo,  sapagkat nakatawag ng pansin din ang isa pang obrang Mo­ther and Child  With Bells  nito na siyang pinakamaliit niyang  painting na may sukat na 14×16 inches lamang.

Napili ito sa Germany noong 2016 ng isang malaking Catholic organization at nai-print muli  ng  mil­yong  mga kopya bilang Christmas card  na naipamahagi sa 65 na mga bansa.

Dumagsa ang mga mensahe kay Dinapo mula sa iba’t ibang panig ng mundo, na nagsasabing may printout sila ng card  na kanyang obra at lalo itong nagpagana  sa kanya  sa pagpipinta.

Sinabi ni Dinapo na: “Sa larangan ng musika, pelikula… may tinatawag na “One Hit Wonder” at may nag-iisang  obra na nagpabantog o nakilala lamang sa isang singer o aktor kahit pa marami ang  kanyang mga  nagawang obra.”

Inihalimbawa nito ang “Mona Lisa” na masterpiece ni Leo­nardo da Vinci taong 1452-1519, ang The “Kiss” na masterpiece naman  ni Gustav Klimt taong 1862-1918 at marami pang bantog na pintor sa buong mundo  na may iisa lamang na namumukod-tangi  mula sa kanilang  mga gawa kahit libo-libo pa ang nagawa na nilang mga obra.

Labis ang pasasalamat sa  kanyang obrang “Mother and Child  With Bells”  na maituturing  na  nag-iisang priceless masterpiece of  Buboy Dinapo.

Taong 2006 nang tawaging “Prodigy of the Year” si Dinapo  nang magsimula itong mapansin ng mga kilala sa lipunan at art critics.

Tumanggap ito ng prestihiyosong Filipino Pride (Dangal ng Pinoy) award for Culture and Arts sa kate­goryang Buhay Pinoy mula sa RPN 9.

Naging grand prize winner sa “On the Spot Competition” na may temang Taal Volcano 2004 ng Lunda (Luntian Daigdig) Art group at second runner-up para sa  kaparehong kompetisyon sa  temang “Watermelon 2004”.

Nakamit ni Dinapo ang Dangal ng Bayan award, Outstanding Visual Artist at Asian Achiever Award  bilang Outstan­ding Artist/Actor for Arts and Culture noong 2015.

COLLECTORKabilang si Dinapo sa Lunda Art group na pina­ngungunahan ng founder nitong si  Charles de Nava at President Val Fornaliza.

Ilan sa sikat na collectors ng paintings ni Dinapo ay sina Senators Manny Pacquiao, Edgardo Angara, Bong Revilla, Chiz Escudero at dating  Mayor Sonny Belmonte, at marami pang iba.

Si Dinapo ay nakatakdang magdaos ng kanyang one-man show ngayong taon.

Sa darating na Hun­yo 18 ay matutunghayan sa group show ang iba’t ibang  obra ng Lunda Art Group na may titulong Resbak.

Kalahok dito sina  Dinapo, Baltazar Fornaliza, Rey Conmigo, Emmanuel Salva, Darryl Ajero, Ely Tablizo Ed Baesa, Ernesto Mejia,  Mark Hernandez, Zaldy Pingol, Ral Arrogante, Adan Pesito, Ronald Uy, Eugene Canete, Jun Taniang, Ariel Frayna, Felix Amoncio, Alan Malunes, Morena Ramos, Flor Palermo, Dennis de Jesus, Jun Rocha, Vic Vachoco.

Idaraos  ang group exhibit sa   Ecletic Gallery sa Ground floor, Interior Zone ng SM North EDSA sa Quezon City.

Comments are closed.