PATAY ang isang construction worker matapos pagbabarilin ng kalugar sa Malabon city, kamakalawa ng gabi.
Dead on the spot sanhi ng tinamong mga tama ng bala sa katawan ang biktimang si Jesus Mancio Jr, alyas “Liit”, 49-anyos ng Block 12 C Lot 15 Hiwas St Brgy. Longos.
Pinaghahanap naman ng mga pulis upang maaresto ang suspek na kinilalang si Edgar Garcia, nasa hustong gulang ng Block 48 corner Lapu-Lapu St. Brgy. Longos na mabilis na tumakas matapos ang insidente.
Sa report nina SSg Diego Ngippol at PSSg Mardelio Osting kay Malabon police chief Col. Albert Barot, dakong alas-11 ng gabi nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Kuyog Alley corner Lapu-Lapu St. Brgy. Longos.
Lumabas sa inisyal na imbestigasyon na bago ang insidente, tinawag ng suspek ang biktima mula sa kanilang bahay upang bawiin ang bisikleta na nakasanla sa kanya hanggang magkaroon umano ng pagtatalo ang dalawa.
Kalaunan ay nalaman na lamang ng mga kaanak ng biktima na pinagbabaril ito at napatay sa naturang lugar.
Narekober ng rumespondeng mga tauhan ng SOCO sa crime scene ang apat na basyo ng bala ng caliber 9mm. EVELYN GARCIA
962537 199480Glad to be 1 of a lot of visitants on this awing internet web site : D. 157886
582911 833200Fairly uncommon. Is likely to appreciate it for people who contain community forums or anything, internet web site theme . a tones way for the client to communicate. Outstanding job.. 779164
78832 683457I came across this good from you out of sheer luck and never feel lucky enough to say also credit you for any job well done. 181622