VALENZUELA CITY – INAALAM pa ng pulisya ang sanhi ng pagkahulog ng isang construction worker mula sa ikalawang palapag ng gusaling kaniyang tinitirhan sa Building 4, Discipline Village, Bignay.
Nasa kritikal na lagay si Dennis Laweg, 35-anyos, binata sa Valenzuela Valezuela Medical Center.
Batay sa police blotter Valenzuela City Police Station, nakita ng kapitbahay ang nakadapang walang malay at duguang katawan ng biktima sa pagitan ng Building 4 at 5 ng nasabing lugar.
Isinugod ang biktima lulan ng Bignay ambulance sa Valenzuela Medical Center at idineklarang nagtamo ng severe traumatic brain injury.
Patuloy naman ang imbestigasyon ni SPO3 Alexander Manalo upang alamin kung may foul play sa pagkahulog ni Laweg mula sa kaniyang tinutuluyang gusali. MARY ROSE AGAPITO – OJT
Comments are closed.