OBRERO NABUNDOL NI MEYOR PATAY

Nasagasaan

LAGUNA – HINDI na umabot pa ng buhay sa pagamutan ang isang construction worker matapos aksidenteng mabundol ng isang SUV na minamaneho ng isang lokal na opisyal sa may kahabaan ng National Hi-Way, Bgy. Patimbao, Sta. Cruz, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni PLt. Col. Chitadel Gaoiran, hepe ng pulisya ang biktimang si Vonn delos Santos, 30-anyos, binata, tubong San Juan City, pansamantalang nanirahan sa nasabing lugar.

Samantala, nakilala naman ang driver ng Ford Everest may plakang DDM-2651 na si Pila Municipal Mayor at kasalukuyang Mayors League President na si Edgardo Ramos, 58-anyos, may asawa, residente ng Bgy. Aplaya.

Ayon sa ulat, bandang ala- 6  nang maganap ang insidente habang patungo sa Bgy. Pagsawitan si Ramos nang biglang sumulpot  ang biktima na lulan sa kanyang bisikleta.

Dahil dito, aksidente umanong sumabit sa tagiliran ng sasakyan ni Ramos ang biktima at hindi na nagawa pang makaiwas hanggang sa tuluyang bumagsak ito sa semento na mabilis na  na dinala sa pagamutan lulan ng ambulansiya subalit bawian.

Nagkasundo naman ang pamilya ng biktima at si Ramos na sasagutin nitong lahat ang gastusin sa nangyaring aksidente. DICK GARAY

Comments are closed.