NAMATAY noon din ang isang construction worker matapos madaganan ng gumuhong pader ng ginigibang gusali habang apat pa ang nasugatan sa Caloocan City.
Batay sa ulat ng imbestigador na may hawak ng kaso, ang biktima na agad na binawian ng buhay sanhi ng tinamong pinsala sa ulo at katawan ay nakilala sa alyas “John-John” habang ginagamot naman sa Caloocan City Medical Center sina Michael Geronimo, 18, Teodoro Dimatawaran, 33, Michael Delgado, 40, at Adrian Encienzo, 44. Sa nakarating na report kay Caloocan Police Chief P/Col. Noel Flores, naganap ang insidente alas-12 ng tanghali sa 274 P. Sevilla St., Brgy. 57 habang ginigiba ng mga biktima ang gusali sa naturang lugar.
Ayon sa pulisya, ang nasawing biktima ay nabagsakan ng mga tipak ng semento at natabunan pa habang isinugod naman ang apat na sugatan sa naturang pagamutan. EVELYN GARCIA
Comments are closed.