BULACAN – DEAD on the spot ang isang construction worker makaraang pagsasaksakin ng kasamahang foreman sa bayan ng Marilao noong Linggo dahil lamang sa pag-awat ng gulo.
Base sa report na nakarating sa tanggapan ni PNP Provincial Director P/Col. Chito Bersaluna kinilala ang biktimang si Joven Pili Sergio nasa hustong gulang, habang ang suspek naman ay nakilalang si Rodolfo Ayson, construction foreman.
Nabatid na nag-ugat ang pagpatay sa biktima ng awatin nito ang away ng suspek at ng kapwa nito empleyado na si Alejandro Alamani Pantaleon.
Lumitaw rin sa imbestigasyon ng mga pulis na una ng nagkasuntukan ang dalawa dahil lamang sa hindi ibinalik na galon ng mineral water ng foreman.
Kung saan kapwa stay-in workers ang biktima at suspek ng Kingsforth Property Corporation sa Brgy. Lambakin Marilao.
Apat na saksak sa katawan ang inabot ni Joven mula sa balisong, naisugod pa sa pagamutan ang biktima subalit idineklara itong dead on arrival. THONY ARCENAL
Comments are closed.