OBRERO TINARAKAN SA LEEG NG KATOMA

saksak

MALABON CITY – PATAY ang isang construction worker matapos tarakan sa leeg ng kabaro habang nag-iinuman sa lungsod na ito kamakalawa ng umaga.

Ang biktima na idineklarang dead on arrival sa Tondo Medical Center sanhi ng tinamong saksak sa leeg ay si Conrado Raip, 35, ng Brgy. Longos.

Ipinag-utos naman ni Malabon Police Chief P/Col. Jessie Tamayao sa kanyang mga tauhan ang follow-up operation kontra sa suspek na si Joey Amigo, 35, ng Blk 30, Lot 34, Phase 2 Brgy. Longos.

Batay sa pahayag ng saksing si Lorenzo Eris­pe, 32, kay homicide investigator PMSg Julius Mabasa, nag-iinuman ang biktima at suspek, kasama ang kanilang mga kaibigan nang tinarakan ng suspek ang biktima saka tumakas. EVELYN GARCIA

3 thoughts on “OBRERO TINARAKAN SA LEEG NG KATOMA”

Comments are closed.