OBRERO TODAS SA PAMAMARIL

QUEZON- DEAD on the spot ang isang construction worker matapos barilin sa ulo ng malapitan habang ito ay nakatayo sa harapan ng ginagawang food chain sa may Quezon Avenue St. bahagi ng Brgy.4, Lucena City nitong Sabado ng umaga.

Kinilala ni OIC Chief of Police Lt Col William Angway Jr. ang biktima na si Reymark Molina,18-anyos, residente ng Brgy.Lekap Butao, San Fabian Pangasinan na dumayo lamang sa nasabing lungsod para magtrabaho sa ginagawang food chain.

Base sa report ng pulisya, dakong alas- 8:20 ng umaga habang nakatayo sa harapan ng ginagawang establisimiyento si Molina nang biglang sumulpot sa likuran nito ang suspek at agad na binaril ito.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya na may dating alitan sa pagitan ng biktima at suspek na siyang tinitingnan na motibo ng mga awtoridad sa pamamaril.

Sa isinagawang hot pursuit police operation ni Angway at pagrereview sa mga CCTV ng Lucena PNP sa malapit sa lugar ng insidente nakilala ang suspek na si Jabber Namia Undak, 25-anyos, muslim na vendor sa lungsod ng Lucena, tubong Cotabato City at kasalukuyang naninirahan sa may Purok Atin-atin Brgy. Marketview sa nasabing siyudad.

Patuloy pa ang isinasagawang pagtugis sa suspek kung saan nagsagawa na din ang Lucena PNP ng mga check point sa mga point of exit ng lungsod upang maharang ang tumakas na salarin. BONG RIVERA