Aminado si Shaina Magdayao na isa siyang “OC” o obsessive-compulsive. Akalain mong ang OC tendency na ito ang nagtulak sa kanya para maging negosyante!
Sinimulan niya ito noong panahon ng pandemya, kung saan nagsimula silang magbenta ng mga “pandemic-friendly” bags. Ngayon, naging lifestyle brand na ang kanyang bag business, at nagbebenta na rin sila ng sapatos, linen dresses and blazers, at home accessories.
Dahil nga may OC tendency si Shaina, tinawag niya ang kanyang business na Organized Chicas. Binigyang-diin niya at ng kanyang mga business partners ang neatness o yung tinatawag na “obsessive compulsion.” Nagsimula lamang sa mga functional bags that na dinisenyong maging “pandemic-friendly” dahil may pockets para sa face shields, masks, alcohol, at iba pang hygienic kits, aba, bongga na ngayon ang OC dahil marami na silang produkto.
“We’re making our own bags that are pandemic-friendly. [These are] bags that you can wear and wash when you get home. [You have to] disinfect right away because of the virus. That’s why we thought of making our own brand which is Organized Chicas because we’re both OCs,” Sabi pa ni Shaina.
Ngayong tapos na ang pandemya, tuloy pa rin ang kumpanya ni Shaina. Nagbebenta na rin sila ng linen blazers, canvas sandals at ruffled handbags na lahat ay gawa sa Pilipinas pati ang mga ginamit na materyales, at pati na rin ang design.
Kamakailan, nakipagpartner ang kumpanya ni Shaina kay Issa Guico Reyes, isa ring kilalang OC. Kay Issa ang brand Neat Obsessions sa Instagram. Good luck sa inyong business.
RLVN