PINAG – IINGAT ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang residente ng Occidental Mindoro makaraang maitala ng US Geological Survey ang magnitude 5.7 earthquake sa nasabing lalawigna.
Subalit sa ulat na ipinarating sa Office of Civil Defense ng Philvocs ang lakas ng lindol ay 5.5 magnitude lamang. Tumama ang lindol Sabado alas-9:05 ng umaga at ang epicenter nito ay natagpuan sa bayan ng Rizal.
Tectonic ang origin ng lindol na may lalim na 12 kilometro.
Wala namang inilabas na tsunami warning ang awtoridad.
Naramdaman din ang Intensity 3 sa Lipa City, Batangas at Malay, Aklan habang sa bayan ng San Nicolas, Batangas at Manila ay Intensity 2 lang ang naitala ng richter scale ng PAGASA, intensity 4 sa San Jose, Occidental Mindoro, Intensity 3 sa Calapan City, Oriental Mindoro, Intensity 2 sa Tagaytay City, Malinao, Aklan, Sebaste at Culasi, Antique at Calatagan, Batangas.
Intensity 1 naman sa Talisay, Batangas; Dolores at Mauban, Quezon.
Kaugnay sa babala ng PHILVOCS tatlong low magnitude quakes ang agad na naitala kasunod ng paglindol. VERLIN RUIZ
Comments are closed.