OCCIDENTAL MINDORO NIYANIG NG MAGNITUDE 5.7 QUAKE

MAGING ang mga taga-Metro Manila ay nakaramdam ng takot makaraang yanigin ng 5.7 magnitude quake ang Occidental Mindoro kahapon ng madaling araw.

Sa datos ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), alas-1:12 ng madaling araw nang tumama ang lindol kung saan ang episentro nito ay sa bayan ng Looc at may lalim na 74 kilometro.

Naramdaman ang tectonic in origin na lindol sa mga lugar na sakop ng Metro Manila at Calabarzon.

“Dahil ito ay malalim, itong mga aftershock ‘di nagdulot ng pagkaramdam, isa lang na mahina at di naman ito mapanira,” ayon kay PHILVOCS Director Renato Solidum.

Naramdaman naman ang magnitude 5 sa Tagaytay City, at sa Amadeo, Cavite.
Intensity 4 naman ang naramdaman sa Malolos City at Obando sa Bulacan;
General Trias at Tanza sa Cavite; San Juan City, Lungsod ng Maynila,
Marikina City at San Mateo, Rizal.

Intensity 3 naman ang nagrehistro sa Pasig City, Makati City, Valenzuela City at Antipolo City sa Rizal.
Intensity 5 rin ang naitala sa Palayan City, Nueva Ecija.

Dahil sa lakas ay inaasahan ng PHIVOLCS ang danyos at mga aftershocks.

Lumikha ng 112 aftershocks ang nasabing paglindol hanggang alas -5:00
ng umaga at nasa magnitude 4.5 ang pinakamalakas, ayon kay Solidum.

Agad naman nag-deploy ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ng teams para magsagawa ng assessment sa posibleng structural integrity and damage sa mga imprastraktura sa Metro Manila, Occidental Mindoro at mga kalapit lalawigan na naapektuhan ng pagyanig. VERLIN RUIZ

13 thoughts on “OCCIDENTAL MINDORO NIYANIG NG MAGNITUDE 5.7 QUAKE”

Comments are closed.