INATASAN ni Civil Defense Administrator Ariel Nepomuceno na magsagawa ng paghahanda sa posibleng pagsabog ng Bulkang Kanlaon sa gitna ng mga banta ng bagyo.
Ang sinasabing hakbang ay bunsod ng mga naitatalang aktibidad ng bulkan nitong mga nagdaang araw.
Partikular na inatasan ni Civil Defense Administrator Ariel Nepomuceno ang tanggapan ng Office of Civil Defense (OCD) sa Western Visayas para mapabilis ang paghahanda sa worst-case scenarios, lalo na kung sumabay ang pagsabog ng bulkan sa pananalasa ng bagyo.
“Preparing for the worst-case scenarios is crucial for saving lives. We must ensure that our response plans are robust and ready to be implemented at a moment’s notice, especially in the face of potential natural disasters,” paliwanag ni Nepomuceno.
Lubha umanong mahalaga ang papel na gagampanan ng local government units (LGUs) sa mga pagsisikap na ganito.
“I appeal to all LGUs to work doubly fast in all preemptive and risk mitigation measures. It is essential that we prevent the loss of lives and livelihoods in the event of a major or violent eruption. The time to act is now,” giit nito.
Gayundin, nanawagan ang opisyal sa mga apektadong residente na sumunod sa mga tagubilin ng mga local leader at sumunod sa advisories mula sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) at OCD.
“It is vital that residents stay informed and follow instructions from authorities to ensure their safety. Your cooperation can make a significant difference in our collective response to this situation,” anang opisyal.
Nitong nakalipas na Linggo ay nakapagtala ang PHIVOLCS ng mga significant activities ng Kanlaon Volcano .
Kasalukuyang nasa Alert level 2 (incresing unrest) ang Kanlaon Volcano na indikasyon ng potensyal na sumabog kung patuloy ang degassing at ash emissions.
Posible umanong bunsod ito ng pagtaas ng magma sa bunganga ng bulkan.
VERLIN RUIZ