CAMP AGUINALDO –TINIYAK ng Office of the Civil Defense (OCD) na magiging transparent sila sa mga darating na donasyon kontra COVID-19.
Dahil dito, makikita na ang sinuman sa online ang lahat ng donasyong natatanggap ng gobyerno para sa kampanya upang labanan ang pandemya.
Ito ay sa pamamagitan ng “COVID-19 donations dashboard” na itinayo ng OCD sa pakikipagtulungan ng Department of Information and Communications Technology (DICT).
Ang dashboard ay inilunsad para itaguyod ang “transparency” sa pagtanggap ng mga donasyon alinsunod sa Administrative Order No. 27, 2020.
Ang datos sa dashboard ay updated “in real time” sa oras na matanggap ng OCD ang donasyon.
Maaring ma-access ng sinuman ang COVID-19 Donations Dashboard sa pamamagitan ng link na: http://ocd.gov.ph/donations-dashboard.html
Matatandaan noong mga nakalipas na buwan naging isyu ang tila pagbebenta ng OCD ng mga medical supplies sa mga ospital. REA SARMIENTO
Comments are closed.