ISA NA namang gold medal ang idinagdag ni Meggie Ochoa sa kanyang koleksiyon makaraang madominahan ang sen-iors -49 kilogram division ng JuJutsu World Championships sa Malmo, Sweden kahapon ng umaga.
Ayon sa Jiu-Jitsu Federation of the Philippines, si Ochoa ang unang Asyano na nagwagi ng gold sa Worlds.
Ginapi ni Ochoa si Ni Ni Vicky Hoang ng Canada sa final, 2-0, upang kunin ang gold medal.
Tungo sa finals, dinispatsa niya sina Morgane Houx ng France, 4-0; Anna Augustyn-Mitkowska ng Poland, 2-0; at pagkata-pos ay pinayuko si Laetitia Boes ng France sa semifinals.
Bago sumabak sa Worlds, ang 28-anyos na si Ochoa ay bronze medallist sa 2018 Asian Games sa Jakarta, Indonesia.
Si Ochoa ang tanging Pinoy na naka-podium sa Worlds.
Comments are closed.