PINAYUHAN ng Malakanyang ang UP-OCTA Research Team na sa halip na magbigay ng mga rekomendasyon ukol sa Covid 19 sa harap ng publiko ay mas makakabubuting sa pribadong pamamaraan ito gawin.
Ito ang tugon ni Presidential Spokesman Harry Roque makaraang irekomenda ng UP-OCTA researchers na muling magpatupad ng mas mahigpit na quarantine classification o localized lockdown sa Bauan, Batangas, Calabayog sa Western Samar at General Trias sa Cavite dahil sa mataas na kaso ng Covid 19.
Ayon kay Roque, mas makabubuti kung idadaan ang kanilang rekomendasyon sa pribadong pamamaraan para hindi naman napapangunahan ang Inter Agency Task Force for the Management of Emerging Diseases (IATF).
“I wish they would refrain from making these recommendations publicly. They can probably endorse or course their recommendations privately with the IATF nang hindi naman po napapangunahan, highlighting the fact that classifications are normally announced by the President himself,” pahayag ni Roque.
Gayunman ayon kay Roque ay nagpasasalamat pa rin ang pamahalaan sa tulong ng UP-OCTA.
“I really appreciate the efforts po of OCTA Research Team in helping us monitor COVID cases. Pero ni-request ko na po sa kanila na to desist from making recommendation on classification kasi talagang trabaho naman po ‘yan ng eksperto. And I understand although they have one or two epidemiologists, it is still not the same number of experts working with the IATF. hindi lang po sa DOH,” giit pa ni Roque.
Pinaliwanag ni Roque na may resolusyon na aniya ang IATF na maaring umakto na ang provincial governor at regional IATF kung mataas ang kaso ng Covid 19 sa isang lugar.
Ang IATF ay mayroong quarantine classifications depende sa bilang ng mga kaso ng COVID-19 at healthcare capacity sa isang probinsya o siyudad.
Ang pinakamahigpit na classification ay enhanced communitiy quarantine (ECQ) na sinundan ng modified ECQ ( MECQ) general community quarantine (GCQ) at modified GCQ (MGCQ). EVELYN QUIROZ
Comments are closed.