(OCTA sa publiko) MAGSUOT NG FACEMASK SA OPEN SPACE

DAPAT pa rin umanong magsuot ng facemask ang publiko sa mga open spaces dahil sa muling pagtaas ng bilang ng hahawan sa COVID-19, ayon sa isang analyst nitong Sabado.

Sa datos, mula Setyembre 25 hanggang 30, nasa 15.2 porsiyento ang positivity rate ng bansa, tatlong beses na mas mataas kaysa sa 5-percent benchmark na itinakda ng World Health Organization (WHO).

Ayon sa ABS-CBN Data Analytics team, umaabot lamang sa average na 2,000 kada araw ang nate-testing sa bansa.

“I’m hopeful that the surge in cases will go down eventually. But it would also really [require] that as individuals, we realize that what we do as citizens is more important than any government program in the fight against COVID,” pahayag ni Prof. Ranjit Rye ng OCTA Research Group.

“That means being vigilant, that means considering wearing of the mask during times of high positivity,” dagdag pa ni Rye.

Hinikayat rin nito ang mga commuter na dapat palaging magsuot ng face mask sa lahat ng oras sa loob ng pampublikong transportasyon.

Ito ay matapos na payagan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga nakatayong pasahero sa loob ng mga pampublikong sasakyan.

“They’re actually quite necessary now especially that we have a new ruling on public transportation. We have public transportation where more people can come in. These are situations where we need to wear a mask – the high-risk situation… The risk of getting sick is quite high,” giit ni Rye.

Gayunpaman, inamin ng OCTA prof. na ang pagtaas ng mga kaso ay hindi maaaring awtomatikong maiugnay sa pagpapaluwag ng panuntunan sa face mask. EVELYN GARCIA