OCZON HANDA NA SA KOREAN BASKETBALL LEAGUE

MAGBUBUKAS na ang bagong kabanata sa rising career ni Migs Oczon kasunod ng kanyang pag-alis patungong South Korea kahapon para samahan ang kanyang bagong koponan na Ulsan Hyundai Mobis Phoebus ss Korean Basketball League (KBL).

Nagpasya kamakailan si Oczon na i-forego ang kanyang nalalabing dalawang taon ng eligibility sa De La Salle-College of Saint Benilde upang umakyat sa pro ranks.

Sa kanyang dalawang seasons sa Blazers sa ilalim ni head coach Charles Tiu, ang 6-foot sniper ay naging malaking banta sa opensa, sa pagiging top scorer ng Benilde sa Season 99 na may 13.37 points per game, kasama ang 4.79 rebounds, 2.68 assists, at 1.16 steals kung saan tumapos sila sa third place. Sasamahan niya ang Ulsan na kasalukuyang No. 6 sa nagpapatuloy na 2023-2024 season na may 12-14 marka.

Makakasama rin ni Oczon, bagama’t bilang mga katunggali sina fellow Filipino imports Rhenz Abando (Anyang), Dave Ildefonso (Suwon), SJ Belangel (Daegu), Juan Gomez de Liaño (Seoul), at Justine Gutang (Changwon).