ODD/EVEN SCHEME ‘DI TIYAK SA HOLIDAY RUSH – MMDA

MMDA TRAFFIC

MAKATI CITY – HINDI pa masabi ng Metropolitan Manila Development Autho­rity (MMDA) kung kanilang ipatutupad ang odd/even scheme sa EDSA at iba pang kalsada para sa nalalapit na holiday season.

Ayon sa MMDA, kanilang pag-aaralan pa ito dahil sa pangambang lalo pang titindi ang pagsisikip ng trapiko sa Metro Manila pagpasok ng holiday rush.

Sinabi ni MMDA Spokesperson Celine Pialago na panandalian lamang ang maitutulong ng odd/even scheme at kalaunan ay lalo pang makapagpapabigat sa daloy ng traffic dahil darami ang sasak­yan sa kalsada.

Ngayong buwan, sinabi ni Pia­lago na nakatakda ang pulong nila sa mga mall owner para sa pag-adjust ng kanilang mall operating hours.

Bukod sa pag-adjust ng operating hours ng mga mall, sinabi ni Pialago na magpapatuloy ang paghihigpit nila sa mga umiiral na polisiya sa mga pangunahing lansangan, gayundin ang clearing operations sa Mabuhay lanes. PILIPINO Mirror Reportorial Team

Comments are closed.