Sabi nila, ang pagmamahalang may pundasyon ng pagkakaibigan ay mas matibay at mas matatag. Sa maraming kaso, kaya nito ang mga pagsubok lalo na kung nagtitiwala sila sa isa’t isa. Sabi rin nila, hindi pwedeng maging mag-best friend ang babae at lalaki, dahil most probably, mai-in love ang isa. Hindi bale sana kung pareho silang mai-in love. E, paano kung isa lang, at yung isa ay sa iba na-in love?
Paano mo ba malalaman kung mahal ka ng best friend loves mo more than a friend?
Kung magkakabarkada kayo, mas madaling malaman. Obserbahan mo kung madalas na inaasar ka niya pero madalas ka ring inaamo kapag galit na galit ka na. Kahit magkaiba kayo ng ginagawa o nakikipag-usap sa ibang tao, attentive ba siya sa’yo, o mayroon kayong physical closeness na hindi niya ibinibigay sa iba pa ninyong kaibigan.
Kaya lang, kahit may ebidensya na, mahirap pa ring amining nagkakainlaban ang mag-best friend. Hirap kasing syotain ng kaibigan. Kasi naman, kahit sino pa ang tanungin mo, mas mahalaga talaga ang friendship kesa love affair.
Ang love affair kasi, nagkakasawaan at naghihiwalay, samantalang ang friendship, kadalasan, nadadala hanggang kamatayan.
But why not? Malay mo, swertihin. Paaminin si guy. Try to be as honest as possible para magkalakas siya ng loob na magtapat. Or, kung hindi ka makatiis, gayahin mo si Jolina Magdangal.
“Oh yes, kaibigan mo ako. And I’m so stupid to make the biggest mistake of falling in love with my best friend!”
Keribels ba? Ang tanong, mahal ka ba niya o nag-iilusyon ka lang na mahal ka niya? Kaya mo bang itanong sa kanya ang ganito: “Paano kung ma-in love ako sa’yo, labs mo rin ba ako?
Aray koh! What if ang sagot niya, malayo sa tanong mo? Ibig sabihin, wala nang pag-asa. Ikaw lang pala ang may gusto. Windang ang ilusyon mo.
Bakit kasi may mga lalaking natural na sweet at maalaga sa mga babae lalo na kung kaibigan. Nagkakamali tuloy ang babae at nag-iilusyon. May kilala akong ganyan, wag na nating banggitin ang pangalan. Siguro, kapag nasabi mo na ang dapat sabihin, dumistansya ka na ng unti-unti para naman magamot ang sugatan mong puso.
Hindi talaga madaling malaman kung friendly lang talaga ang lalaki o natural flirt o baka naman espesyal ka sa kanya. Mahirap talagang maging babae.
Kung friendly lang siya talaga, kaswal lang siyang makipag-usap sa’yo. Tatanunginn ka niya sa pang-araw-araw na gawain o kung ano ang ginagawa mo, but he won’t get too personal. Kung interesado ang lalaki sa’yo, If a guy is interested in you, gugustuhin niyang malaman ang lahat ng tungkol sa’yo, lalo na ang mga lalaking nagkakagusto sa’yo. Itatanong niya ang hobbies mo, pamilya mo, ambisyon mo, at mga pangarap mo sa buhay.
Sa kasamaang palad, kapag na-in love ang isa sa mag-best friend na lalaki at babae, friends become distant. Nagkakalayo sila ng unti-unti, hanggang isang araw, malalaman mo na lang na napakalayo na ninyo sa isa’t isa.
Ikaw ang magdesisyon. Kung magkamali kang magmahal sa best friend mo, sosyotain mo ba o aalagaan mo na lang ang friendship ninyo? – SHANIA KATRINA MARTIN