OFFICE MAKEOVER TIPS

OFFICE MAKEOVER-1

BUKOD nga naman sa pagpapaganda at pagdedekorasyon ng tahanan, isa pa sa kailangan nating pagandahin ay ang mga lugar na ating pinagtatrabahuan—ang opisina. Kung magulo nga naman ang ating opisina o table, tiyak na mas lalo tayong tatamaring magtrabaho. Kaya para magkaroon ng ganang magtrabaho at maging magaan ang bawat gawain, narito ang ­ilang office makeover tips na bukod sa madali lang, abot-kaya pa sa bulsa:

ISAALANG-ALANG ANG LAKI O ESPASYO

Bago tayo magdekorasyon o mag-ayos—tahanan man iyon, kuwarto o opisina, isa sa dapat na isaalang-alang ang espasyo o laki ng lugar na iyong dedekorasyunan. Kung maliit lang ang lugar o espasyo ng iyong opisina, maliliit lamang din ang kakailanganin mong gamit sa pagdedeko­rasyon. Mas mawawala kasi ang ganda ng isang lugar kung malalaking bagay o gamit ang ilalagay roon. Mas magi­ging komportable rin ang paggalaw mo kung tama lang ang laki ng mga gamit na iyong ilalagay sa opisina.

PAG-ISIPAN ANG MGA KAKAILANGANIN SA PAGDIDISENYO

Importante ring pag-isipan muna ang mga kakailanganin sa pagdidi­senyo. Sa table sa opisina, ilan sa kaila­ngang mayroon ka ay ang push pin, ballpen at note pad. Para hindi rin ito magkagulo o hindi mailagay sa kung saan-saan, mainam kung bibili ng ball pen holder o box na maaaring paglagyan ng maliliit na bagay. Marami rin ngayong mga box o holder na makulay at magaganda ang disenyo. Makadaragdag din ito ng ganda sa iyong table o opisina.

Huwag ka ring basta-basta bibili ng mga pandekorasyon na hindi mo naman tiyak na mapakikinabangan. Isipin mo rin ang kalidad ng iyong mga gagamiting pandekorasyon. Mas maganda kung matibay na ang bibilhin mo para hindi ka gastos nang gastos. Kung matibay nga naman, matagal mo itong magagamit.

Maganda rin kung double purpose ang bibilhing mga gamit o dekorasyon.

Maaari ring bumili ng tissue holder na may kakaibang design at kulay.

PAG-ISIPAN ANG THEME NA SWAK SA IYO

OFFICE MAKEOVERPangit din naman kung basta-basta lang o kung ano-ano ang gagawing dekorasyon o pag-aayos sa opisina. Kaya naman, para hindi pumangit at maging maganda ang kalalabasan ng pag-aayos, mainam kung mag-iisip ng swak na theme.  Hindi lang naman swak ang theme sa pag-aayos ng kuwarto o bahay, maganda rin ito sa pagdedekorasyon ng opisina o lamesa.

Kailangan ding naisip mo na kung anong kulay ng wall ang gusto mo.

Maaari ka ring maglayan ng inspirational décor para sa mas magandang opisina o lamesa. Makatutulong din ang inspirational décor sa mga panahong nawawalan ka ng ganang magtrabaho. Ilan din sa mabuting ilagay sa lamesa sa opisina ang litrato ng mahal sa buhay at mga bagay na nakapagpapasaya sa iyo.

PAGIGING SIMPLE

Hindi rin naman kailangang maging sobrang bongga ng iyong opisina. Hindi rin kaila­ngang sobrang dami ng gamit na ilalagay para lang masabing maganda ang iyong opisina.

Sa pagdedekorasyon ng kahit na anong lugar, mahalaga ang pagiging simple. Kahit na simple lang ito basta’t malinis at nakaayos lahat ng iyong mga gamit, makatutulong na ito upang makapagtrabaho kang mabuti. Basta’t ang importante ay maaliwalas ito sa paningin.

MAG-INVEST NG COLORFUL PILLOWS

Hindi tayo nakapag­dedesisyon sa gusto na­ting upuan sa opisina. Pero puwede mo itong mapaganda sa pamamagitan ng pagbili ng colorful pillows.

Kadalasan 9 to 6 ang trabaho ng maraming empleyado. At para nga naman maging kompor­table ang pagkakaupo nila habang nakaharap sa kompyuter, bumibili ang ilan ng colorful pillows. Sa katunayan, maganda nga naman kung may nasasandalan ka habang nagtatrabaho. Pampaganda na nga naman ang colorful pillow sa iyong puwesto sa opisina, magiging komportable ka pa. May mga iba’t ibang design din at kulay na maaari kang pagpilian. Abot-kaya lang din naman sa bulsa ang mga colorful pillow kaya’t hindi ka mahihirapang maghanap o bumili.

SIGURADUHING ORGANISADO O MAAYOS ANG MGA GAMIT

OFFICE MAKEOVERKung magulo ang ­ating mga gamit sa table o opisina, lalo tayong hindi makakapag-concentrate o makapagtatrabaho nang maayos. Kaya bukod sa pagdedekorasyon ng opisina o table, importanteng nakaayos ang mga gamit. Kung maaliwalas nga naman ang lugar na pinagtatrabahuan, gaganahan ka ring magtrabaho.

Kaya naman, importante kung iiwasan ang pagkakalat o paglalagay ng iba’t ibang gamit sa opisina na hindi naman kailangan o kakailanganin.

Maraming simpleng paraan upang mapaganda ang lugar na ating pinagtatrabahuan. Bukod sa napaganda mo na ang iyong opisina, napakarami pa nitong benepisyo. Isa nga sa benepisyo ng maganda at maayos na opisina ay ang pagiging produktibo ng mga empleyado. Mai-impress din ang mga kliyente o taong dadalaw sa iyong opisina kapag nakita nilang organisado, maayos at maaliwalas ang lugar na iyong ginagalawan o pinagtatrabahuan.

Kaya naman, para lumabas o mailabas pa natin ang ating angking galing sa trabaho, siguraduhing maayos at maaliwalas ang inyong opisina o lamesa.  CT SARIGUMBA

Comments are closed.