OFW AT IBA PANG FOREIGN WORKERS SA HK LIGTAS

HK

PINAWI ng mga residente at mga negosyante ang ulat na magulo at mapanganib ang pamamasyal at paglabas sa mga kilalang kalsada sa Hong Kong.

Ito ay kasunod ng mga kilos protesta sa lugar.

Giit ng mga negosyante at residenre na normal naman ang seguridad sa nasabing Chinese territory.

Sa Chatam Road na kabilang sa mga kalsada na tinambayan ng kilos-protesta ay normal ang daloy ng sasakyan gayundin ang mga pedestrian.

Bagaman hindi gaanong visible ang mga pulis ay matiwasay at walang untoward incident na naitatala.

Sinabi naman ng mga lokal na ang kilos-protesta sa kanila ay naka-schedule at may lugar kaya nakakaiwas sa disgrasya ang publiko.

Aminado naman ang mga negosyante na tumamlay ang kanilang kalakal dahil sa mga balita.

Magugunitang napaulat na naghigpit sa Hong Kong dahil sa kabi-kabilang kilos protesta at ma­ging ang mga OFW na nakabase roon ay hinigpitan ding lumabas. EUNICE C.

Comments are closed.