OFW BAWAL NA RIN SA KUWAIT

KUWAIT

MAYNILA – MAHIGPIT ng ipinagbabawal ng Bureau of Immigration (BI) ang paglabas ng mga overseas Filipi-no worker (OFW) patungo sa  Kuwait.

Ayon kay BI acting port operations division chief Grifton Medina na sakop ng nasabing ban ang lahat ng newly-hired household service workers (HSWs) na ni-recruit patungo sa Middle Eastern  Emirate pero nilinaw nito na hindi kasama rito  ang lahat ng OFW na patungo sa lugar na una nang naisyuhan ng employment certificate bago ang cut-off date noong Enero 3, 2020 na itinakda ng Department of Labor and Employment at maaari pa itong makalabas.

Nabatid na ipinalabas ang nasabing pagbabawal matapos lamang na matanggap ng kagawaran ang kopya ng January 3 resolution mula sa governing board  ng  Philippine Overseas Employment Administration (POEA) na nag-aatas ng partial deployment ban ng mga Filipino na OFW.

Binalaan din ni Medina ang mga ahensiya na susuway o mandadaya sa kautusan na “Our system is integrated with POEA’s [system] hence with a click of a finger, we would be able to verify an OFW’s records immediately.”

Samantala, sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente na nakahanda silang magpatupad ng pagbabago sa nasabing kautusan kung sakaling ang Department of Foreign Affairs (DFA) o ang Department of Labor and Employment (DOLE) ay magpatupad ng panibagong ban patungong Iraq, Iran, at Libya kaugnay sa nagaganap na kaguluhan sa lugar kasabay ng pagkamatay ni Qasem Soleimani, head ng Iran’s elite Quds military force.

“The government’s primary concern is the welfare of our kababayan, hence the BI is ready to implement any directive regarding our foreign policy or OFW deployment should the concerned agencies sees a need to implement any change,” ayon kay Morente. PAUL ROLDAN

Comments are closed.