OFW BINALAAN SA PAGLILIWALIW SA EGYPT

egypt

PASAY CITY – WINARNINGAN ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang overseas Filipino worker (OFW) at iba pang Pinoy sa pagliliwaliw sa Egypt.

Ito ang nakasaad sa inilabas na travel advisory ng ahensiya para sa nasabing bansa at sakaling nagbabalak pa lamang ay dapat ipagpaliban muna.

Ang warning ay kasunod na pagbomba sa tourist bus na kumitil ng apat katao at sumugat sa sampung iba pa.

Kabilang naman sa namatay ay tatlong ­Vietnamese na pawang turista at ang kanilang tour guide na Egyptian.

Itinago ang bomba sa pader na unang su­mabog saka tinamaan ang bus na may lulang 14 ­Vietnamese tourists  sa El-Maryoutiya Street. AIMEE ANOC

Comments are closed.