OFW BINUGBOG SA SAUDI ARABIA

OFWs-10

NAGPASAKLOLO ang isang overseas Filipino worker (OFW) sa Saudi Arabia na pina­ngangambahang nasa kritikal na kondisyon matapos umanong bugbugin ng mga amo.

Ayon sa OFW na nagpatago sa pangalang Mary, nakatanggap umano sila ng impormasyon at mga litrato mula sa Riyadh, Saudi Arabia na naka-confine sa isang ospital ang kaanak nilang si Neressa Bandiok, 27, na mula sa Sitio Salkan, Brgy. Paraisyo lungsod ng Koronadal at sinasabing paralisado na at hindi na makapagsalita dahil sa mga tinamong malalang fractures.

Nangangamba ang mga ito dahil sa huling pag-uusap nila ni Neressa nangangamba na ito sa kanyang buhay dahil sa pambubugbog ng mga amo at hindi rin ito binibigyan ng suweldo sa loob na ng mahigit apat na buwan. PILIPINO Mirror Reportorial Team

Comments are closed.